Ang Blog ni Mang Kwento

Mang Kwento has always a story to tell. Brace yourselves as you will read some of his crazy antics and thought on life, love and anything under the sun.

Learn some few tricks on blogging and other internet-related stuffs.

Get to know some tutorials and internet news straight from the source. Learn some new tricks on blogging, SEO and anything that concerns the Internet. Mang Kwento wills share some stuffs he know.

PC and Console Games and hot news in the Gaming Industry.

Gaming news right at your fingertips. Watch out for some updates on the gaming world straight from the source.

A few laughs won't hurt!

Here you'll see some of the weirdest and funniest photos available in the internet. Compiled by Mang Kwento for everyone's enjoyment.

Sunday, September 18, 2011

Miss Universe 2011



"And the winner for Miss Universe 2011 is . . ."

Nakaraang September 12 ay ginananap ang Miss Universe pageant sa Sao Paulo, Brazil. Naging usap-usapan naman sa online world ang event na ito at nag-trending pa sa Twitter worldwide. Nagkaroon pa nga ng biruan sa internet na magsasarahan daw ang mga beauty parlors at titigil ang inog ng mundo ng mga beki. Pero totoo nga naman, kahit ako nga mismo ay napatutok sa live broadcast. Correction lang po, di ako beki. (hehehe)

Despite sa malakas na suporta sa sambayanang Pilipino ay di nanaig at nakuha ng Pilipinas ang korona sa katauhan ni Shamcey Supsup. Pero nakuha naman ni Shamcey ang 3rd runner-up. Out of 80? Not that bad, di ba? Oo, maganda sana kung nakuha nya talaga ang korona pero wala tayong magagawa. Desisyon yun ng mga hurado. Pero bakit nga ba d matanngap ng karamihan na sadyang ganun ang kapalaran ng ating kandidata? Marami ang naging bitter. Paumanhin na po pero sadyang ganun talaga ang napuna ng blogger na ito. Pati pa si Oprah Winfrey ay nadamay. Nag-release daw kasi si Oprah ng statement na nararapat raw na ang Miss Philippines dapat manalo at "hands-down" sya sa angking galing nito ngunit ay matindi naman itong pinabulaanan ng kampo ng naturang celebrity.

May tatlong paksa lang hindi dapat pinag-uusapan sa mga pampublikong event katulad ng Miss Universe. Taxes, pulitika at relihiyon. Mahirap kasing i-defend ang iyong sagot. DI kasi lahat ng tao ay iisa ang paniniwala at iisa ang opinyon pagdating sa relihiyon. May mga taong iba ang relihiyon at may iba rin na hindi naniniwala sa existence ng Maykapal. Sabihin man nating kinuha ang mga hurado bilang judges ng pageant pero hindi pa rin  mawawala yung tinatawag nating "personal biases". Mangingibabaw pa rin ang personal na opinyon ng isang tao.

C'mon, guys! Wag na nating ipagpilitan. Nagmumukha tayong bitter at hindi sports nyan. Konting chill lang, mga ripapips! Ang mapasama sa Miss sa top 5 ay isa nang karangalan at hinding-hindi na yun mababawi sa atin.There will and will always be a next time. Darating at darating ang panahon ng Pilipinas.

Saturday, August 27, 2011

Naka-Facebook ka na ba?


Like. 
Comment. 
Status update. 
Farmville. 

Sino nga ba ang di nakaka-alam ng Facebook?

Kung wala kang Facebook, aba'y napaka-outdated mo namang klaseng nilalang. Mula noong i-launch ito noong 2004 ay di na napigilan ang pagsikat nito sa buong mundo at ang naging dahilan para hirangin ang founder nito na si Mark Zuckerberg bilang isa sa mga pinaka-batang bilyonaryo sa buong mundo.

Now, for those people who've been using Facebook for quite some time, marahil ay familiar na kayo sa iba't ibang uri ng tao na pwede mong makakasalamuha sa social network site na ito. Para naman sa hindi nakaka-alam, ipapakilala ko sila sa inyo.

  1. The Self Promoter - Sila yung mga taong nagpopost ng mga recent achievements nila. Pero kung ang bawat post mo ay mga links ng iyong mga blog posts or ang pagiging MVP mo sa vasketball, aba'y nagiging bragger at self-centered ka na.
  2. The Jejemon - Sino ba ang hindi familiar sa kanila? "EowwWwz,,pOwwZ" "miZ Cuu nha sha." Sila yung mga parang alien kung makapag-chat or mag-post. Minsan ay maloloka ka sa kanilang internet lingo. Sila minsan ang nagiging sakit ng ulo ko. Operation Unfriend.
  3. The Bad Grammarian - Alam naman natin na may kaibahan ang punctuation rules sa internet. Pero wag naman sanang i-murder masyado ang English language.
  4. The Paparazzi - Sila yung mga tipong nagpopost ng pictures noon nakaraang birthday ni Juan at kinunan ka nglitratong lasing na lasing at may kasamang malanding babae. Kaya wag ka ng magtaka kung bigla ka na lang papagalitan ng nanay mo at bigla na lang nakipag-break ang girlfriend mo.
  5. Thy Sympathy-Baiter - "I'm so depressed today." "Namatay yung pinsan ng ninang ng kapitbahay ko." Sila'y parang mga mangingisda na naghihintay ng mabibingwit na isda. Sila yung mga taong hayok sa sympathy. Ang iba, totoo nga naman ang kalungkutan na pinagdadaanan. Ang iba? KSP lang.
  6. The Obscurists - Sila yung mga nagpapaka-mysterious effect. "Now I know..." "He's the one..." C'mon, di kami na-eexcite. Tigilan mo na.
  7. The Chronic Inviter - Sila yung mga mahilig magpadala ng mga requests. "Come and play Mafia Wars with me." "Be my neighbor in Farmville." "What type of dog are you? "What kind of bird are you?" I don't care what bird am I. So, stop all those requests.
  8. The Lurkers - They are those who don't or ar too lazy to update their status but they are very updated on what's happening to you. Stalker? Kinda and it's very creepy. 
  9. The Crank - "My friends is an idiot. Her girlfriend doesn't deserve him." Spread the love? Not so. The cranks are usually haters and never will a day that you won't see them hating something.
  10. The Storyteller/Reporter - They are those who are wired through their mobile phones. "I'm stuck in traffic." "Just saw my boyfriend kissing another guy." or "I'm in the CR, pooping." LOL. Isn't that ridiculous? Sige, ibalita mo na rin kaya kung ilang beses kang huminga sa isang minuto?
Kayo? Ano kayo? I know isa  sa mga naka-lista ay IKAW. Aminin! :)



    Wednesday, August 24, 2011

    The Different Types of Pinoy Texters


    Pindot dito. Pindot doon.

    Sino ba ang walang cellphone sa panahon ngayon? Dati yung mga "can afford" lang ang may K na magka-cellular phone. Ngayon, ultimo mga mahihirap at mga batang paslit ay may cellphones na. Pero alam nyo ba kung ano ang iba't ibang klaseng texters? Heto sila at kilalanin natin.

    1. Passive Texters - sila yung mga taong nagtetext kung itetext mo rin sila o yung mga nag-rereply talaga kung kailangan talaga.
    2. Energetic Texters - Sila yung mga active mag-text at sinusulit talaga ang kanilang "Unlitext". Sila yung mga tipong strike anywhere kung mag-text, nasa kotse, ilalim ng puno o mapa-kubeta man ay walang humpay ang text. Kalimitan sila yung mga teenagers, mag-syota o mga yuppies.
    3. Blog Texters- Sila yung mga nagtetext para ikwento ang nangyari sa buong araw nya katulad ng pagba-blog.
    4. Marketing Texters - Sila yung mga tipong nag-tetext para i-promote ang isang produkto, event, o mga job hirings. Kadalasan, parte yun ng kanilang trabaho o gusto lang nilang makatulong.
    5. Extinct Texters - Sila yung mga taong ginagawang beeper ang cellphone. Nagpapa-load o nag-rereply lang kung kinakailangan.
    6. The Forwarders - Sila yung gma nag-foforward gn mga messages na sa tingin nila ay nararapat iforward.
    • Religious Forwarders - Sila yung mga nag-foforward ng mga religious text messages.
    • Love Forwarders - Sila yung mga nag-foforward ng mga korni at cheesy na love quotes.
    • Funny Forwarders - Sila naman yung mga nag-foforward ng mga nakakatawang text messages.
    Ngayon, alam nyo na ang iba't ibang uri ng texters. Ikaw? Anong klaseng texter ka? 

    The Korean Invasion

    Korean invasion. Iyan na yata ang usong-uso ngayon. Kahit saan ka lumingon ay may makikita kang mga Koreano. Sa nakalipas na 10 taon ay naging pangalawang tahanan na nga mga Koreano ang Pilipinas. Ang iba ay napadpad sa bansa natin para mag-aral at mahasa ang kanila English. Ang Ingles ay itinuturing na "universal language" at isa sa mga pangunahing requirements at kailangan an kabilang sa skill set upang magkaroon ng magadang trabaho sa Korea. Ang bansa natin ang isa sa mga proficient pagdating sa pagsalit at pagsulat sa Ingles kaya di nakpagtataka na dayuhin tayo ng ibang bansa. Kung ang ibang Koreano ay nandito para mag-aral, ang iba naman ay naisipang manatili at magbuo ng pamilya at negosyo sa Pilipinas.

    Korean Black Bean Paste Noodle – Jajangmyun
    Marahi ay minsan na rin kayong nakakain sa isang Korean restaurant, nakapanood ng Koreanovela o nakekembot sa K-pop music. Di man masyadong swak sa panlasang Pinoy, dinadayo pa rin ang ilang Korean restaurants dahil sa kakaibang lasa na hatid nito sa mga Pinoy. Ang mga Koreanovela at mga pelikula naman ay nakuha rin ang atensyon di lang ng mga Pinoy kungdi pati na rin ang buong mundo. Ang Korea kasi ang isa mga naging powerhouse ng Asian cinema ng mga nakalipas na taon. Iba ang formula sa film-making ng gma Koreano at ako ang isa sa kanilang masugid na taga-subaybay. Iilang pelikulang Koreano na rin akong napanood at sa aking opinyon, hindi matatawaran ang galing nila sa paggawa ng pelikula.
    Old Boy (2003)

    My Sassy Girl (2001)
    K-pop music. Cute girls and jaw-dropping male heartthrobs ang pambato naman ng Korea. Sino ba naman ang hindi nakarinig mga kanta ng 2NE1, U-Kiss, Super Junior, etc. Tinitilian ng mga kababaihan at pantasya naman ng kalalakihan. Sadyang mapapaindak ka sa ritmo ng kanilang mga awitin. Di man ako masyadong fan ng K-pop ay masasabi ko pa rin na sikat ito and it's making some waves in our very own country.

    2NE1
    Super Junior (SuJu)
    I've got nothing against Koreans dahil napaka-friendly nila sa mga Pinoy at napaka-down to earth pa. Pero sana ay wag nating kalimutan tangkilikin ang mga indie films na gawang Pinoy at sana patuloy na suportahan ang industriya ng  OPM. Iba pa rin ang Pinoy.

    Harry Potter's True Father

    No! James Potter ain't Harry's father. Harry Potter is the long lost son of John Lennon. :D

    Awesome resemblance isn't it?



    Funny Signs

    What makes daily living enjoyable is looking at the funny side of our lives. Here are some STUPID signs that can plaster a smile in your face.

    As in, WHAT? LOL.

    No! I won't run! I won't!

    The good thing about this is you don't have to pay the fine when you're already dead. :D

    Is the STOP sign not enough, dude?

    Of course, I can't pass through walls and doors!

    Have you tried swimming in a WATER-LESS POOL?

    Uhh. No, I'll just stare at it and answer the damn phone call.

    First Date Impressions

    Here are some of the things that guys must not do on their very first date: