Wednesday, August 24, 2011

The Different Types of Pinoy Texters


Pindot dito. Pindot doon.

Sino ba ang walang cellphone sa panahon ngayon? Dati yung mga "can afford" lang ang may K na magka-cellular phone. Ngayon, ultimo mga mahihirap at mga batang paslit ay may cellphones na. Pero alam nyo ba kung ano ang iba't ibang klaseng texters? Heto sila at kilalanin natin.

  1. Passive Texters - sila yung mga taong nagtetext kung itetext mo rin sila o yung mga nag-rereply talaga kung kailangan talaga.
  2. Energetic Texters - Sila yung mga active mag-text at sinusulit talaga ang kanilang "Unlitext". Sila yung mga tipong strike anywhere kung mag-text, nasa kotse, ilalim ng puno o mapa-kubeta man ay walang humpay ang text. Kalimitan sila yung mga teenagers, mag-syota o mga yuppies.
  3. Blog Texters- Sila yung mga nagtetext para ikwento ang nangyari sa buong araw nya katulad ng pagba-blog.
  4. Marketing Texters - Sila yung mga tipong nag-tetext para i-promote ang isang produkto, event, o mga job hirings. Kadalasan, parte yun ng kanilang trabaho o gusto lang nilang makatulong.
  5. Extinct Texters - Sila yung mga taong ginagawang beeper ang cellphone. Nagpapa-load o nag-rereply lang kung kinakailangan.
  6. The Forwarders - Sila yung gma nag-foforward gn mga messages na sa tingin nila ay nararapat iforward.
  • Religious Forwarders - Sila yung mga nag-foforward ng mga religious text messages.
  • Love Forwarders - Sila yung mga nag-foforward ng mga korni at cheesy na love quotes.
  • Funny Forwarders - Sila naman yung mga nag-foforward ng mga nakakatawang text messages.
Ngayon, alam nyo na ang iba't ibang uri ng texters. Ikaw? Anong klaseng texter ka? 

0 comments:

Post a Comment