Sunday, August 21, 2011

Kwentong Jeepney

Kung meron man tayong maipagmamayabang na unique sa Pilipinas, yun ang "jeep". Naging pangkaraniwan na sa araw-araw na buhay ng mga Pinoy ang mag-commute papunta sa trabaho o sa skul. Sa pag-uwi, jeep pa rin ang pangunahing choice ng Pinoy na maghahatid sa kanila pauwi sa kani-kanilang bahay. 


Kahit ako ay jeep ang sinasakyan papunta at pauwi galing ng trabaho dahil hindi sapat ang kita ko para bumili ng kotse at kahit kailan ay di na yata makakabili. Marami-rami na rin ako na-experience sa araw-araw na pag-sakay ko ng jeep. Meron na akong nakatabi na sobra ang anghit ng kili-kili. Anghit na akalain mong anong bomba ang sumabog. Ewww! Makatabi naman ang isang napakagandang chick ang sya namang bumubuhay sa inaantok kong diwa tuwing umaga. Pero, isa sa mga pinaka-ayaw ko na makasama sa jeep ay yung mga isnatser. Sino ba naman matutuwa nun? Haha.

Isang over-loaded Jeepney sa Iloilo.


Kadalasan, maraming epal sa jeep. Lalong-lalo na yung mga ayaw mag-abot ng bayad. Uupo sa likod ng driver at ng makikisuyo ka nang iabot ang bayad tsaka naman aasta na parang walang narinig. Asar pa kung lilingonin ka with matching lisik ng mata. Naku! Sarap sapakin! Maswerte sya't gumagalang pa rin ako sa mga nakakatanda at sa mga kababaihan.  

Meron din naman yung susuot ng mga sobrang ikling mini-skirt at nagsusuot ng mga tank tops na halos luwa na ang dibdib. Panlilisikan nila ng mata ang mga kalalakihan. Sino ba naman ang hindi matutukso na tumingin? Ang lalaki ay lalaki. Kaya wag nyo kaming sisihin na mga Adan na tumingin sa kayamanan ni Eba.  :)

Marahil bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kwentong jeepney. Ikaw? Ano ang kwentong jeepney mo?

"Ang jeep ay aking pinara
Hindi lubos na inakala
Sa jeep na 'to makikita
Dilag na ubod ng ganda."
-Mang Kwento

0 comments:

Post a Comment