Korean invasion. Iyan na yata ang usong-uso ngayon. Kahit saan ka lumingon ay may makikita kang mga Koreano. Sa nakalipas na 10 taon ay naging pangalawang tahanan na nga mga Koreano ang Pilipinas. Ang iba ay napadpad sa bansa natin para mag-aral at mahasa ang kanila English. Ang Ingles ay itinuturing na "universal language" at isa sa mga pangunahing requirements at kailangan an kabilang sa skill set upang magkaroon ng magadang trabaho sa Korea. Ang bansa natin ang isa sa mga proficient pagdating sa pagsalit at pagsulat sa Ingles kaya di nakpagtataka na dayuhin tayo ng ibang bansa. Kung ang ibang Koreano ay nandito para mag-aral, ang iba naman ay naisipang manatili at magbuo ng pamilya at negosyo sa Pilipinas.
 |
Korean Black Bean Paste Noodle – Jajangmyun |
Marahi ay minsan na rin kayong nakakain sa isang Korean restaurant, nakapanood ng Koreanovela o nakekembot sa K-pop music. Di man masyadong swak sa panlasang Pinoy, dinadayo pa rin ang ilang Korean restaurants dahil sa kakaibang lasa na hatid nito sa mga Pinoy. Ang mga Koreanovela at mga pelikula naman ay nakuha rin ang atensyon di lang ng mga Pinoy kungdi pati na rin ang buong mundo. Ang Korea kasi ang isa mga naging powerhouse ng Asian cinema ng mga nakalipas na taon. Iba ang formula sa film-making ng gma Koreano at ako ang isa sa kanilang masugid na taga-subaybay. Iilang pelikulang Koreano na rin akong napanood at sa aking opinyon, hindi matatawaran ang galing nila sa paggawa ng pelikula.
 |
Old Boy (2003) |
 |
My Sassy Girl (2001) |
K-pop music. Cute girls and jaw-dropping male heartthrobs ang pambato naman ng Korea. Sino ba naman ang hindi nakarinig mga kanta ng 2NE1, U-Kiss, Super Junior, etc. Tinitilian ng mga kababaihan at pantasya naman ng kalalakihan. Sadyang mapapaindak ka sa ritmo ng kanilang mga awitin. Di man ako masyadong fan ng K-pop ay masasabi ko pa rin na sikat ito and it's making some waves in our very own country.
 |
2NE1 |
 |
Super Junior (SuJu) |
I've got nothing against Koreans dahil napaka-friendly nila sa mga Pinoy at napaka-down to earth pa. Pero sana ay wag nating kalimutan tangkilikin ang mga indie films na gawang Pinoy at sana patuloy na suportahan ang industriya ng OPM. Iba pa rin ang Pinoy.
0 comments:
Post a Comment